realizations bilang ama

Kanina, habang naninigarilyo ako, may narinig akong nagsisigawan. Akala ko kung ano,. away mag ama pala!

Syempre, habang naninigarilyo ako, hindi ko naman maiwasang marinig. Hindi sa pagiging chismoso—narinig ko lang talaga. 😅

Pero may isang salitang tumatak sa akin:

“Walang kwentang ama!”

Napaisip ako bigla.

Bilang isang ama, siguro isa sa pinakamasakit na bagay na maririnig mo mula mismo sa anak mo ay ang mga salitang iyon.

One year old mahigit pa lang naman ang anak ko, kaya hindi ko pa naman nararanasan. Pero noong na-imagine ko kung ano kaya ang pakiramdam na marinig iyon mula sa sarili mong anak… biglang sumakit lalamunan ko na parang ang hirap lumunok. 😅

Hindi ko alam kung ano talaga ang buong kwento ng mag-ama na iyon. Hindi ko rin naman sila kilala. Pero kahit sa isang saglit na narinig ko lang ang pagtatalo nila, may naiwan itong isipin sa akin.

Pagkatapos kong magyosi, pagpasok ko sa bahay, napaisip ulit ako.

Kailangan kong maging isang may kwentang ama.

Hindi dahil gusto kong maging perpektong ama. marami pa akong kailangang matutunan.

Pero gusto kong dumating ang araw na kapag lumaki ang anak ko, hindi niya kailangang tanungin kung naging mabuting ama ba ako.

Leave a Comment